Parokya Ni Edgar - Wala Na Talaga Lyrics
Lyrics
Parokya Ni Edgar - Wala Na Talaga
Minsan parang wala nang dahilan
Tila nagpapanggap na lamang
Ayoko man aminin sa iyo pero
Nagsawa na yata ako
Wala naman tayong problema
Ngunit parang hindi na tayo masaya
At kung papipiliin lang ako
Parang gusto ko nalang huminto
Ayaw naman kitang lokohin
Magkuwaring sa puso ko'y ikaw pa rin
Meron tayong nakaraang pinagsamahan
At ayaw na kitang masaktan
Kailangan mong malaman ang katotohanan
Kundi pareho lang tayong mahihirapan
Hindi na 'ko kinikilig tuwing ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta kahit galit ka sa akin
Di na 'ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman
Wala na talaga
Wag mong isipin na merong iba
Hindi yun ang rason kung ba't ayaw ko na
Hindi ko din lubusang maintindihan
Basta't alam ko ay may dahilan
Pagkat nahihirapan na ang puso ko
Para 'kong nakakulong sa loob ng mundo mo
Wag mo nang tanungin kung kailan nagsimula
Di ko din alam kung kailan nawala
Wag mo sanang iisiping may mali kang nagawa
Pareho lang tayong walang pagkakasala
Hindi ko rin naman 'to sinadya
Mas mabuti ngang hindi na magtagal
Sapagkat di na kita mahal
Hindi na 'ko kinikilig tuwing ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta kahit galit ka sa akin
Di na 'ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman
Wala na talaga
Hindi na 'ko kinikilig kapag ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta kahit galit ka sa akin
Di na 'ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman
Wala na talaga
Wala na talaga
Wala na talaga
MUSIC VIDEO Parokya Ni Edgar - Wala Na Talaga